Add parallel Print Page Options

Ang mga Kayamanan ni Solomon(A)

14 Nakapagtipon si Solomon ng 1,400 karwahe at 12,000 kabayo.[a] Inilagay niya ang iba nito sa mga lungsod na taguan ng kanyang mga karwahe, at ang ibaʼy doon sa Jerusalem. 15 Nang panahong siya ang hari, ang pilak at ginto sa Jerusalem ay parang ordinaryong mga bato lang, at ang kahoy na sedro ay kasindami ng ordinaryong mga kahoy na sikomoro sa mga kaburulan sa kanluran.[b] 16 Ang mga kabayo ni Solomon ay nagmula pa sa Egipto[c] at sa Cilicia.[d] Binili ito sa Cilicia ng kanyang mga tagabili sa tamang halaga.

Read full chapter

Footnotes

  1. 1:14 kabayo: o, mangangabayo.
  2. 1:15 kaburulan sa kanluran: sa Hebreo, Shefela.
  3. 1:16 Egipto: o, Muzur. Isang lugar malapit sa Cilicia.
  4. 1:16 Cilicia: sa Hebreo, Kue. Maaaring isang pangalan ng Cilicia.